Pilipinas, pinaplanong mag-sampa ng kaso laban hinggil sa cyanide fishing

Maaari namang magsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China at Vietnam sa gitna ng mga alegasyon ng cyanide fishing sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay National Task Force West Philippine Sea (NTF WPS) spokesperson Jonathan Malaya, iimbestigahan muna nila ang mga ulat at saka ipapasa sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Solicitor General (OSG) para sa posibleng pagsasampa ng mga kaso sa tribunal.

Nabatid na natagpuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang malaking pinsala ng lagoon sa kanilang kamakailang deployment sa Bajo de Masinloc dahil sa cyanide fishing ng mga mangingisda mula sa China at Vietnam.

Agad naman itong ikinaalarma ng NSC, kaya’t nagpasya si Malaya na i-validate at imbestigahan ang nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *