Pilipinas, sisimulan na ang pagbili ng bakuna laban sa bird flu

Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na sisimulan na ng Pilipinas ang pagbili ng bakuna kontra sa avian influenza o bird flu.

Ayon sa pangulo sa inagurasyon ng isang poultry farm sa Davao del Sur, makakatulong ito sa pagtugon sa problemang dulot ng sakit sa poultry supply sa bansa.

Kasunod nito ang pagkakaruon ng bakuna laban sa Avian Influenza, na aniya’y mukhang epektibo kaya’t desedido itong maglaan ng pondo para sa pagbili ng bakuna.

Nabanggit na ni Marcos noong unang bahagi ng taon na ang Pilipinas ay kukuha ng mga bakuna para malabanan ang bird flu sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *