Pilipinas, target maging number 1 exporter ng niyog

Balak palitan ng Pilipinas ang Indonesia bilang number 1 exporter ng coconut o niyog sa buong mundo.

Ito ang isa sa natalakay kahapon sa ika-6th meeting ng Private Sector Advisory Council – Agriculture Sector Group o PSAC-ASG kasama si Pangulong Bongbong Marcos.

Kaugnay nito, inirekomenda ni PSAC Agricultural Sector Group Member Christopher Po ng Century Pacific Group, na pabilisin ang paglulunsad ng malawakang programa sa pagtatanim ng puno ng niyog sa pamamagitan ng pagpapataas sa produksiyon ng binhi.

Partikular na nilalayon ng bansa na makapag tanim ng 100 million coconut trees bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos.

Tiniyak naman ng Pangulo na sapat ang pondong ibibigay sa Philippine Coconut Authority para maisakatuparan ang programa.

Sa ngayon dahil limitado pa ang pondo, naglatag ng ilang rekomendasyon ang advisory body para malutas ang problema.

Kabilang sa kanilang rekomendasyon ay atasan ang PCA na magbalangkas ng roadmap upang mapabilis ang paglulunsad ng coconut planting program, at ang pagpasok ng PCA sa contract farming sa mga lokal na mag aaasin para mag supply ng asin bilang pataba sa mga nyog.

Sa ganitong paraan, dodoble ang produksyon ng nyog, magdaragdag ng kita sa mga salt farmer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *