Pilipinas, target na marating ang 6-million COVID-19 jabs ngayong linggo

Umaasa ang gobyerno na malalampasan nito ang 6-million mark sa COVID-19 vaccination program nito ngayong linggo.

Sa isang pahayag ay sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na darating sa bansa ang mahigit 10-million COVID-19 vaccines ngayong buwan.

Ayon kay Galvez, dahil sa pagtaas ng stock ay target ng gobyerno na madagdagan ng 4-million hanggang 5-million ang bilang ng mga nababakunahan, para sa kabuoang 6-million ngayong linggo.

Sisimulan na ng gobyerno ang pagpapabakuna ng A4 priority group na kinabibilangan ng economic frontliners ngayong araw.

Kung maalala ay sinabi ni Galvez na plano ng gobyerno na maturukan ang 500,000 na indibidwal araw-araw sa ikatlong quarter ng taon, hanggang sa mataasan ito sa 740,000 kada araw.

Kumpyansa si Galvez na maabot ng gobyerno ang target nito lalo na at parating na sa bansa ang mas maraming vaccine supply.

Una nang dumating ang panibagong batch ng 1-million Sinovac COVID-19 vaccine doses sa Manila kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *