Pilipinas, uupo bilang board na kakalap ng ambag para sa mga apektado ng climate change

Napili ang Pilipinas bilang isa sa mga board na kakalap ng loss and damage fund o ‘yung ambag ng mga bansang nagdudulot ng climate change.

Ito ay para matulungan ang mga bansang lubhang apektado  ng climate change gaya ng Pilipinas.

Sa ngayon, umabot na sa $700 milyon o katumbas ng P39 bilyon ang plege para sa pondo na malaking bahagi mula sa United Arab Emirates at Germany.

Si dating finance Sec. Mark Hoven ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa board.

Sa susunod na taon nakatakda ng pag-usapan ang guidelines kabilang ang pagtukoy sa mga bansang dapat mag-ambag kung magkano at gayundin kung paano ito paghahatian depende sa pangangailangan sa epekto ng climate change sa mga bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *