Pilipino, sugatan sa Hong Kong dahil sa malakas na ulan

Stable na ang kundisyon ng dalawang mga overseas Filipinos na nasugatan dahil sa mga pag-ulan at pagbaha sa Hong Kong.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo-Cacdac, nagpapagaling na ang isang 59-anyos na babae; at isang 62-anyos na lalaki.

Successful din umano ang operasyon sa lalaking nagtamo ng leg injury.

Sa inisyal na ulat, pini-picture-an ng mag-asawang Pinoy ang pinsala ng bagyo sa pasilidad nang bigla silang tangayin ng isang landslide.

Sa huli, tiniyak ni Cacdac ang financial aid sa kanila; maliban pa sa ipinangakong pagsagot sa gastusin ng kanilang employer.

Handa rin daw ang DMW na asikasuhin ang kanilang pag-uwi sa bansa, sakali mang hilingin nilang ma-repatriate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *