Pilot run ng mall voting, pinaghahandaan na ng COMELEC

Pinaghahandaan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang isasagawang pilot testing sa ilang malalaking mall sa bansa na kabilang sa mga magiging mall voting precinct sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa inilabas na listahan ng COMELEC, kabilang ang Bgy. 659 sa Maynila; Bgy. Alicia at Bgy. Pasong Putik sa Quezon City; at Bgy. San Dionisio sa ParaƱaque sa mga magsasagawa ng mall voting.

Dagdag pa rito ang Bgy. 36-Kapantawan sa lungsod ng Legazpi sa Albay at Bgy. Pitogo sa Cebu City, Cebu.

Sa malalaking malls sa Lungsod ng Maynila, Las Pinas, at Cebu City naman isasagawa ang pilot run ng mall voting kung saan nagpapaalala ng komisyon sa mga botante na kumunsulta sa kanilang election officer para matiyak kung kabilang ang kanilang Brgy sa listahan.

Samantala, makikita rin sa official website ng COMELEC ang listahan ng mga Brgy na isasailalim sa Mall Voting Pilot Testing sa Oktobre-30.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *