Pimentel – maghahain siya ng kaso sa Korte laban sa pagtanggap ng COMELEC

Tiniyak ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na hanggang sa ngayon inaaral pa nila sa Senado ang mga options na pupwede nilang gawin matapos ang inihain na Manifesto ni Senate President Migz Zubiri laban sa People’s Initiative (PI).

Kaugnay nito, kinumpirma ni Pimentel na maghahain siya at posible maging ang ilang senador ng kanilang kaso sa Korte Suprema laban sa Commission on Election (COMELEC).

Ito ay matapos tanggapin ng COMELEC ang mga nakolektang pirma mula sa people’s initiative (PI) na pag-amyenda sa konstitusyon.

Ayon kay Pimentel, noong 1990’s pa lang sa ilalim ng Defensor ruling ay makikitang hindi sufficient ang ipinaglalaban ng COMELEC na RA 6735 o ang Initiative and Referendum Act upang suportahan ang PI.

Maalala, base sa inilabas na Manifesto, hindi sang-ayon ang Senado sa pag-amyenda sa Konstitusyon dahil sa posibleng pagkawala ng bicameralism at check and balance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *