Pinakamabigat na kalabasa sa buong mundo, kasing-bigat ng maliit na sasakyan

Lumalabo na ba ang iyong mga mata? Tiyak kailangan mo na ata ng isang gulay na kalabasa na mabisa para sa pampalinaw ng mga mata.

Huwag na rin mag-alala dahil sa mayroong isang kalabasa na hindi mo na kailangang hagilapin pa at ifocus ang iyong mga mata.

‘Pagkat sa unang tingin pa lamang ay kitang-kita na ang isang kalabasang hindi lamang ordinaryo, kun’di isang dambuhala.

Ito’y matatagpuan sa Minnesota kung saan, ito na ang tinaguriang pinakamabigat na kalabasa sa buong mundo na pinalaki ng magsasakang si Travies Gienger.

Ito’y naitanghal na pinakamabigat sa isang World Cham­pionship Pumpkin Weigh-off dahil sa kanyang pumpkin na may timbang na 2,749 pounds o 1.3 tons na maaari nang maging kasing-bigat ng isang maliit na sasakyan.

Noong taong 2022 ay pinangalanan niya itong “Maverick” at sa kasalukuyang taon ay pinangalanan niya itong “Michael Jordan” na siyang nakakuha ng titulong “World’s Heaviest Pumpkin”.

Sa ngayon, plano ni Gienger na gawin muling puhunan para sa pagpapalaki ng panibagong kalabasa ang kaniyang natanggap na papremyo na ibibida niya sa patimplak sa susunod na taon.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *