Pinakamahabang hand-made na peluka, nagawa ng isang Nigerian

Isang Nigerian nasungkit ang Guinness World Record o GWR title bilang may pinakamahabang hand-made na peluka o wig.

Ito ay kinilalang si Helen Williams, na ang kanyang obra ay umabot ng hanggang 351.28 na metro o 1,152 na talampakan at 5 pulgada.

Ayon kay Ms. Williams na isang wigmaker ay gumugol siya ng 11 araw at dalawang milyong naira o nagkakahalaga ng 74,011.87 na peso para likhain ang hairpiece.

Gumamit ito ng 1,000 bundle ng buhok, 12 lata ng hair spray, 35 tubes ng hair glue at 6,250 hair clips.

At inilatag ito sa isang highway na nag-uugnay sa mga lungsod ng Lagos at Abeokuta upang sukatin nang nasabing araw.

Dagdag pa ni Ms. Williams na hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nagawa na maikukunsiderang tagumpay sa kanyang buhay. ### MITZI LOMERIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *