Pinakamalaking barko ng Iranian Navy, lumubog matapos masunog!

Lumubog matapos masunog ang isa sa pinakamalaking barko ng Iranian Navy sa gulf ng Oman.

Ayon sa report, sa kabila ng 20 oras na pagsisikap ng Civil at Naval Military Rescue Teams, mabilis pa ring kumalat ang apoy sa iba’t ibang bahagi ng training at logistical ship na Khark.

Pinalad naman na bago tuluyang lumubog ang barko sa southern Iranian port ng Jask ay na-evacuate ang mga crew members

Wala namang napaulat na casulaty o matinding pinsala sa mga crew ang nasabing sunog.

Hindi pa malinaw ang dahilan ng sunog sa nasabing barko na napag-alamang 4 na dekada nang ginagamit sa maraming training operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *