Pinakamataas na matchstick sculpture sa buong mundo muntikan nang hindi masungkit ang Guinness World Record

Muntikan nang maisawalang-halaga ang isang obra ng Eiffel Tower na gawa ni Richard Plaud, isang pranses, mataopos na ito’y idiskwalipika ng Guinness World Record o GWR.

Ayon sa pagsusuring ginawa ng GWR, hindi umano pangkaraniwang patpat ng posporo ang ginamit ni Mr. Plaud.

Ang kahanga-hangang istraktura ay may taas na 7.18 metro o 23 ft. at 6 pulgada at binuo sa pamamagitan mahigit 700,000 piraso ng posporo.

Ang naturang obra ay trinabaho ni Mr. Plaud sa loob nang walong taon at natapos lamang noong ika-27 Disyembre 2023.

Subalit noong Miyerkules, Pebrero 7 biglang nagbago ng desisyon ang GWR, na nagbigay pag-asa kay Mr. Plaud, opisyal na rin na kinilala ang kanyang obra bilang pinakamataas na matchstick sculpture sa buong mundo. ### MITZI LOMERIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *