Pinakamatandang gaming streamer sa buong mundo, pinarangalan ng Guiness World Record

Nakamit ng isang matandang lalaki sa China ang Guiness World of Record na “oldest male gaming streamer” sa buong mundo.

Kilala bilang “Gamer Grandpa” si Yang Binglin, na unang napadpad sa mundo ng video game vlogging apat na taon na ang nakakalipas.

Sinimulan niya ito sa simpleng video games hanggang sa matuto na siyang maglaro nang mas komplikado, tulad ng  Tomb Raider, Resident Evil at Sniper.

Nagkaroon rin siya ng koleksyon ng mahigit 500 games dahil sa pagkahilig sa mga video game.

Nagretiro si Yang noong 1996, at mula noon, naging libangan na niya ang table tennis at electronic gaming.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *