Pinakamatandang tao sa mundo, pumanaw sa edad na 114

Malungkot na ibinalita ng Guinness World Records ang pagkamatay ng pinakamatandang tao sa mundo na si Juan Vicente Pérez  sa edad na 114.

Kinumpirma ito ni Freddy Bernal, ang gobernador ng Táchira, Venezuela, kung saan nakatira si Juan.

Ayon sa gobernador, palaging magiging simbolo si Juan ng kabutihan, karunungan at kagalakan, kaya naman ang kanyang pamana ay palaging mananatili hindi lang sa buong siyudad, kung hindi pati sa buong mundo.

Nabatid na kinumpirma ng Guiness na si Juan Vicente ang pinakamatandang tao sa buong mundo matapos pumanaw noong Enero 2022 si Saturnino de la Fuente Garcia ng Espanya sa edad na 112 taon.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *