Pinakamayamang pulubi sa China kumikita ng humigit limang daan libong piso, paano kaya ito nangyari?

Kung si Aladin may genie na agad sa kanya na nagbigay ng yaman, puwes ibahin mo ang isang pulubi sa Tsina na tinaguriang “richest beggar.”

Bakit kaya? Kumikita lang naman ito ng halos 70,000 yuan o 543,128.60 piso sa loob ng isang buwan.

Si Lu Jingang, may pambihirang talento sa pag-aarte bilang isang pulubi.

Tama ka ng dinig dahil siya ay isang propesyonal na umaarte, kaya naman hindi na nakakapagtaka kung paano siya nakakalikom ng malaking halaga sa paglilimos sa loob ng 12 taon.

Ayon kay Lu, pinili niya ang ganitong tunay na kakaibang trabaho dahil passion niya ang pag-arte, dagdag niya pa na sa paraang ito niya nagagawa ang klase ng pag-arte na gusto kung saan ay hindi niya na kailangan pang sumailalim sa pag-a-audition. ###Mitzi Lomerio, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *