Pinalutang na “New model arrangement” ng China, bahagi ng kanilang cognitive warfare ayon sa NSC

Naniniwala ang National Security Council o NSC na bahagi ng tinatawag na cognitive warfare ng China ang pagpapalutang nila ng “New Model Arrangement”.

Sa Bagong Pilipinas Program, sinabi ni NSC Asst. Director General Jonathan Malaya na bagong taktika ng China ang pagpapakalat ng maling impormasyon.

Tulad anya ng isa sa mga sikat na estratehiya sa Art of War ni Sun Tzu na “subdue your enemy without fighting”.

Sa pamamagitan ng ganitong paraan, layon anya ng China na pababain ang moral ng mga Pilipino at paniwalain tayo na mahina ang ating bansa.

Dagdag pa ni Malaya, tinatawag itong cognitive warfare dahil mayroon itong political objective na buwagin at pahinain ang pagtatanggol ng Pilipinas sa ating karapatan sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *