Top Stories

Pinangangambahang pag-collapse ng Boracay dahil sa 815 sinkholes, pinaghahandaan na

Nagpaalala ngayon ang Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (MGB-DENR) na dapat obserbahan ang carrying capacity sa Boracay dahil sa posibleng peligro ng paglitaw ng sinkholes.

Sa ginanap na media forum, inihayag ng ahensya na vulnerable sa sinkholes ang isla.

Ayon kay Engr. Mae Magarzo, hepe ng MGB Geosciences Division, ang sinkholes ay land depressions dahil sa pagtanggal ng suporta sa ilalim dahil sa lindol o dahil sa pagbaba ng tubig sa lupa.

Napag- alaman na ang kabuuan ng Boracay ay limestone.

Ayon kay Magarzo, nabubuo ang sinkholes sa linestone.

Sa isinagawang Karst Subsidence Hazard Mapping noong 2018, natukoy sa Boracay ang 789 sinkholes, 801 noong 2019, 814 noong 2022, at 815 mula sa 2021 hanggang 2022.

Nakakalat umano ang mga sinkhole na ito sa 3 barangay sa isla ng Boracay.

Inihayag din ni Magarzo na ang sinkhole ang “most dangerous type of hazard” dahil walang indikasyon kung kailan ito lalabas.

Sa pag-aaral, ang ideal arrival per day ay dapat nasa 1,085 lamang. // BNFM KALIBO

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

14 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

14 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

14 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

14 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

14 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

15 hours ago