Pinasok na 5-yr rice deal ng PH sa Vietnam, hindi na raw bago

Hindi na raw bago ayon sa isang grupo ng mga magsasaka ang pinasok na 5-yr rice deal ng Pilipinas sa Vietnam.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Federation of Free Farmers Cooperatives, Inc. National Manager Raul Montemayor, sinabi nitong sa mga nakaraang limang tao na wala naman pinasok na kasunduan, umaangkat na ang bansa sa Vietnam ng lampas sa 2 million tons bawat taon.

Paboritong source rin daw ng Pilipinas ang Vietnam sa pag-aangkat ng bigas kaya paniwala nila, walang immediate effect ito dahil mas mahal pa raw ang imported kaysa local rice na itinitinda sa merkado

Maaalalang, sa MOU ng rice trade cooperation, pumayag ang Vietnam na mag-supply ng 1.5M-2M metric tons kada taon sa Pilipinas sa abot-kayang presyo sa loob ng limang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *