Pinatalsik na prime minister ng Sudan, nakabalik na sa puwesto

Nakabalik na sa puwesto ang pinatalsik ng kudeta na si Sudan Prime Minister Abdalla Hamdok matapos ang ilang buwang pagkaka-house arrest nito.

Lumabas sa telebisyon si Hamdok kasama ng coup leader na si Gen Abdel Fattah al-Burham na kapwa niya lumagda sa power-sharing agreement sa kabila ng mga mass protests.

Sa kabila nito, naninindigan ang civilian coalition na nag-nominate kay Hamdok sa puwesto na hindi nila kikilalanin ang bagong kasunduan.

Kumbinsido ang coalition na napilitan lang ang Prime Minister na lumagda sa kasunduan dahil sa banta sa kanya.

Ipinaliwanag naman ni Hamdok na pumayag siya sa kasunduan para matigil ang mga karahasan sa kanilang bansa.

Matatandaan na mula nang pumutok ang kudeta noong October 25 ay umabot na sa 40 tao ang napatay sa mga mass protests laban sa kudeta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *