Pinoy boxer Jade Bornea, tinapos ang laban kontra Ivan Meneses ng Mexico sa 7 round

Nagtala ng panibagong panalo ang Filipino super flyweight contender na si Jade Bornea matatapos nitong tapusin ang laban kontra kay Ivan Meneses ng La Paz, Mexico ngayong araw.

Nagpakitang gilas na agad ang 27 taong gulang na si Bornea sa simula pa lamang ng laban matapos nitong paulanan ng suntok sa ulo at katawan ang Mexican boxer.

Sa 7th round, isang malinis na right straight on top na sinundan ng matinding banat sa katawan ang nagpaluhod kay Meneses.

Hindi na ipinagpatuloy ng referee ang laban at tinawagan ng technical knockout ang katunggali ni Bornea.

Hinirang si Bornea ng International Boxing Federation (IBF) bilang no. 1 super flyweight in the world matapos itong makapagtala ng record na 18-0 na may 12 knockouts samantalang bumaba naman ang standing ni Meneses sa 19-23-2 na may 11 knockouts. (RSB | PHOTO: Sanman Boxing/bxstrs)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *