Pinoy boxer Sultan talo kay Butler sa WBO bantamweight title match

Dinomina ni dating IBF bantamweight champion Paul Butler (36-2, 15 KOs) ang late sub Pinoy Boxer Jonas Sultan (18-6, 11 KOs) sa labindalawang round para kunin ang bakanteng WBO interim bantamweight world title sa M&S Bank Arena ng Liverpool.

Bagamat may ilang round na nagiging agresibo si Sultan, mas marami pa rin ang patama sa kanya ni Butler.

Unanimous ang desisyon ng boxing judges na pabor kay Butler kung saan nakakuha ito ng score na 116-112, 118-110, at 117-111.

Nabatid na si WBO bantamweight champion John Riel Casimero sana ang makakalaban ni Butler subalit sa isyu sa timbang at paglabag sa panuntunan ng British Boxing Board of Control (BBBofC).

Posible naman matanggalan ng championship belt si Casimero depende sa magiging desisyon ng World Boxing Organization.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *