Pinoy na namatay sa California shooting, nagpa-plano sana ng bakasyon sa Disneyland

Natukoy ang Pilipino na si Paul Megia, 42-anyos, bilang isa sa walong biktima ng pamamaril sa light-rail yard para sa commuter trains sa Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) sa San Jose, CAlifornia.

Bago nasawi si Paul, na assistant superintendent sa VFA, ay gumawa ito ng plano na makipag-bonding sa kanyang mga anak sa Disneyland para sa Memorial Day.

Naulila ni Paul ang tatlong biological na anak nito na sina Nathan, 22-anyos; Gavin, 13-anyos; at Avery, 10-anyos at pati na rin ang kanyang stepson na si Kyle, 10-anyos.

Inihayag ng babaeng kapatid ni Paul na si Luci sa isang panayam na masaya at excited ang kanyang kapatid nang mapagkwentuhan nila ang planong bakasyon bago nangyari ang nasabing pamamaril.

Naikwento naman ni Luci na tinulungan pa ni Paul ang mga katrabaho nito sa gitna ng pamamaril.

Anya, bayani ang kanyang kapatid, at marami itong nailigtas na buhay.

Ipinunto naman ni Luci na buhay pa si Paul nang dumating ang mga otoridad sa crime scene, ngunit kalaunan, ay binawian rin ito ng buhay dahil sa tindi ng tinamo niyang pinsala.

Base sa ilang ulat, ay nagwala umano ang gunman, na isa rin empleyado ng VTA, bago nito pinagbabaril ang mga kapwa niya empelyado at kalaunan ay nagbaril rin sa sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *