Pinsala ng El Niño sa So.Cot, P 104 milyon na

KORONADAL CITY – UMABOT na sa P 104, 531,304 ang danyos ng El Niño sa mga pananim sa lalawigan ng South Cotabato. Ito ay batay sa 1st quarter report ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAg.

Matinding tinamaan ng dryspell ang mga tanim na mais na may lawak na 1, 398 hectares. Ang mga apektadong farmers ay umabot naman sa 1,641. Nagdeklara na ng state of calamity ang bayan ng Surallah na nakapagtala ng higit P 71 million na danyos dahil sa tagtuyot.

Sa ngayon, patuloy ang validation at assessment ng OPAg at Department of Agriculture o DA sa danyos dulot ng El Niño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *