Pista ng itim na Nazareno sa Naga City naging mapayapa

NAGA CITY- Naging mapayapa ang pista ng Itim na Nazareno sa Naga City.

Ito ang assessment ng Naga City Police Office matapos ang Traslacion nitong Enero 8 mula sa Holy Cross Parish patungo sa Plaza Quezon at Penetential Foot Prossession nitong Enero 9, 2024 pabalik sa nasabing simbahan.

Ayon kay PLTCOL Dario Sola, DCDO, sa pagtataya ng ng NCPO umabot sa apat na libo ang dumalong mga deboto mula sa lungsod at iba’t-ibang bayan sa Camarines Sur. Wala naman aniyang mga street crimes.

Ayon naman sa Public Safety Office, may dalawang nahimatay na kaagad namang narespondehan.

Ikinatuwa ng Archdiocese ng Caceres ang dagsa ng mga deboto, ayon kay Archbishop Rolando J. Tria Tirona, OCD, DD. Sana aniya ay mapakinggan ng Amang Nazareno ang mga baong panalangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *