PISTON: 3 buwang extension – hindi pa sapat!

Hindi sapat ang tatlong buwang extension ng PUV consolidation deadline.

Ito ang naging pahayag ng transport group na PISTON sa naging panayam ng Brigada News FM Manila, kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagpapalawig ng consolidation para sa PUV Modernization Program hanggang April 30, 2024.

Ayon kay PISTON national president Mody Floranda, wine-welcome nila ang naging desisyon ng Pangulo, pero giit nito – hindi naman kailangan ang 3 buwan na extension dahil mismong programa ang may problema.

Sa huli, ipinanawagan ni Floranda ang pagkakaroon ng lokal na industriya ng sasakyan sa bansa bago aniya ang malawakang pagpapatupag ng PUVMP at hindi ang pagpapaunlad sa Japan at China na pinagkukunan ng modernong jeepney.

Una rito, siniguro ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na tatalima sila sa direktiba ni Pangulong Marcos at umapela sa operators at drivers na samantalahin na ang ipinagkaloob na pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *