PISTON, nanawagan na ibasura ang Oil Deregulation Law

Hinimok ng transport group na Piston ang gobyerno na ibasura ang Oil Deregulation Law.

Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, nanawagan sila na tanggalin na lang ang Oil Deregulation Law dahil ito ang sanhi ng taas-babang presyo ng Petrolyo.

Binigyang-diin ni Floranda ang P1 na provisional fare increase ay bahagyang makakatulong sa mga driver ngunit hindi pa rin ito makatwiran lalo na’t tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Binaggit ng PISTON na nabigo ang Oil Deregulation Law na ibigay ang orihinal nitong pangako na babaan ang mga presyo ng gasolina sa pamamagitan ng unrestricted trade.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *