PISTON, nanawagan ng tunay na solusyon at hindi pamatid uhaw na tulong dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis

Nanawagan ang isang transport group sa bansa na maglatag ang pamahalaan ng anila’y tunay na solusyon sa kinakaharap na problema sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.

Sa panyam ng Brigada News Fm kay Mody Floranda, National President ng PISTON sinabi nito na kulang na kulang ang P3 billion na fuel subsidy na ipapamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB ngayong linggo kumpara sa nawawala sa kita ng mga tsuper at operator ng bansa.

Kung maalala, mismong inamin ng Department of Energy (DOE) na masusundan pa ang mga naging pagtaas sa presyo ng petroleum produvts na tatagal hanggang sa huling buwan ng taon dahil sa tumataas na production cut ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC+)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *