Pitong kabataan, wagi sa Agribiz Regional Awarding

Nagwagi ang pitong kabataan sa isinagawang Regional Awarding para sa Young Farmers Challenge ng Department of Agriculture Region 3.

Ito ay sa ilalim ng Competitive Grant Assistance Program ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) na binuo upang hikayatin ang mga kabataang pasukin ang sektor ng agrikultura.

Nakatanggap ang bawat nanalo ng 150,000 na magsisilbing dagdag-puhunan para mas lalo pang mapalago ang kani-kanilang business enterprise.

Samantala, isinagawa ang awarding nakalipas na November 10 sa capitol Compound ng Syudad ng San Fernando sa Pampanga.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DA Central Luzon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *