Pitong kumpirmadong kaso ng pertussis, naitala sa Lalawigan ng Quezon

Nakapagtala ang probinsya ng Quezon ng pitong kaso ng pertussis o tinatawag na whooping cough.

Sa panayam ng Brigada News FM Lucena sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng Quezon, sa ngayon pito na ang kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa lalawigan.

Nagpapaalala ang IPHO na maging maingat at mapanuri upang maiwasan ang lubhang nakakahawang sakit.

Samanatala, maglalabas naman umano ng opisyal na pahayag ang naturang tanggapan patungkol sa mga kaso ng pertussis sa lalawigan at kung paano ito maiiwasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *