Pitong panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa 5 bayan sa lalawigan ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Sumampa na sa 604 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte matapos na muling makapagtala ng 7 panibagong kaso ang DOH Bicol kahapon

Ang mga panibagong kaso ay naitala sa bayan ng Daet na may 3 habang tig-i-isang kaso naman ang bayan ng Basud, Labo, Paracale at Talisay

Sumatutal, ang lalawigan ay mayroon ng 210 na aktibong kaso

Habang wala namang naitalang nakarekober sa sakit kung kaya’t nananatili ang kabuuang bilang nito sa 364 gayundin sa bilang ng mga nasawi na may 30

Una ng umapela ang Provincial IMT sa pamamagitan ni Acting Provincial Health Officer/ Incident Commander For Health, Dr. Arnel Francisco sa DILG na tutukan ang implementasyon ng pinaiiral na COVID-19 protocols sa Camarines Norte

Ayon dito, Malaki ang maiaambag dito ng LGUs partikular na ang mga barangay officials.

Pakiusap ng opisyal, tulungan na ang PHO, MHOs at mga LGUs, dahil sa kaya nga may tinatawag na INTER-AGENCY o pinagsamang puwersa ng iba’t-ibang tanggapan para sa implementasyon ng mga batas kontra COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *