Pitong Pilipino sa Israel, hindi pa rin makausap at makontak ayon sa DOJ at OWWA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pilipino ang dinukot at anim ang naiulat na nawawala sa nagpapatuloy na digmaan sa Hamas at Israel.

Kabilang sa mga nawawala sina Grace Cabrera, Shelly Morillo, Norilyn Babadilla, Gallenor Leandro Pachecho at Loreta Alacre.

Ayon naman kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio, natagpuan na ang mga unang naiulat na nawawala na sina Loreta de Costa, Buena Besol, Paul Vincent Castelvi, Marilyn Magana at ang sugatang si Joey Fasulingan.

Sa ngayon, sinabi ni Ignacio na walang dapat ipagalala sa kalagayan ng ating mga kababayan sa Israel dahil mismong ang kanilang defense forces ang naglilikas sa mga Pilipino sakali mang walang bunker ang tinutuluyan nilang bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *