Pitong pulis na wanted sa kasong murder, sumuko sa PNP-IMEG

Pitong pulis na wanted sa kasong murder ang sumuko sa PNP-Integrity and Monitoring Group o IMEG.

Kinilala ni PNP-IMEG chief Brig. Gen. Warren de Leon ang mga sumuko na sina S/Sgt. Quill Bay-an , Chief Master Sergeants Joseph Chumawar Jr. at Israel Lucob , Captains Justin Anogue, Guilbert Asuncion at Orlando Rosales Jr., at Master Sgt. Dante Baloran.

Ang mga ito’y napag-alamang miyembro ng Rapid Deployment Battalion ng PNP Special Action Force.

Ayon sa IMEG ang pito’y may standing arrest warrant sa kasang 2 counts ng murder na inisyu ng San Mateo, Rizal Regional Trial Court Branch 174.

Ito’y dahil sa pagkamatay ng dalawang umano’y rebeldeng komunista sa engkwentro na naganap sa Sitio Lagyo, Barangay Puray, Rodriguez, Rizal noong 2010.

Kaslaukuyang nakakulong ang mga ito sa IMEG custodial facility sa Kampo Crame bago i turn-over sa kanilang court of origin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *