Plain clothes police officers, ide-deploy din sa mga matataong lugar ngayong Pasko

Magde-deploy din ng plain clothes police officers ang Philippine National Police ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, ito’y upang matiyak ang seguridad ng publiko sa mga matataong lugar katulad ng mga terminal, tiangge at night market.

Sa mga ganitong panahon daw kasi ay laganap ang modus tulad ng salisi at budol-budol.

Kaugnay nito, naabisuhan na ang mga field commanders sa adjustment ng oras ng deployment ng kanilang tauhan at pagdaragdag ng manuever forces kung kinakailangan para matiyak ang payapa at ligtas na pagselebra ng pasko hanggang sa bagong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *