Planong gawing regular employees ang mga tsuper – tinutulan

Maraming drivers pa rin ang mas nais ang boundary.

Ito ang binigyang-diin ni Department of Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma kaugnay sa planong gawing regular employees ang mga jeepney drivers.

Ayon kay Laguesma, wala pa itong detalye, pero napag-uusapan lamang ito dahil laging issue yung may kinalaman sa boundary.

Sinabi ng opisyal na mas gusto ng mga driver ang pagkakaroon ng boundary dahil mas malaki ang kita rito.

Sa huli, pinaliwanag ng kalihim na batid nila na may iba’t ibang kasanayan ang mga drayber, at ang planong ito aniya ay idea pa lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *