Plastic pollution sa Naga City, problema pa rin!

NAGA CITY- Problema pa rin sa lungsod ng Naga ang polusyon sa plastik sa kabila ng kaliwa’t kanang hakbang ng gobyerno sa pagbawas ng paggamit nito.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Engr. Joel Martin, head ng City Solid Waste Management Office na halos 2,000 kilo o 2 toneladang plastik ang nakokolekta nila araw-araw. Halos nasa 21% lang ang nababawas na anya malayo pa sa tinatarget nila. Bukod sa malaki ang epekto nito sa kapaligiran, malaki rin ang kontribusyon ng plastik sa labis na init ng panahon na ating nararanasan. Aniya, ito rin marahil ang dahilan sa malawak na pagkasunog ng old Balatas Dumpsite sa lungsod dahil sa mga nakabaon na plastik sa ilalim nito.

Dagdag pa ni Martin, hindi naman sila titigil sa pagsulong ng zero use plastic campaign at pagpromote sa paggamit ng mga eco bag sa mga pamilihan. Isinusulong na rin sa national government ang pagpapatupad sa Extended Producer Responsibility Law upang mabawasan ang plastic pollution sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *