Plaza Quezon sa Naga City nakatakdang i-renovate para maging bahagi din ng turismo sa lungsod ngayong taon

NAGA CITY – Babaguhin ang anyo ng Plaza Quezon sa Naga City ngayong taon para maging bahagi din ito ng turismo o maging pasyalan, ayon kay City Councilor Jose Perez, Chairman ng Committee on Tourism sa konseho.

Ang nabanggit ng plaza ngayon ay siyang sentro ng mga aktibidad sa lungsod tulad ng mga aktibidad tuwing dumarating ang Peñafrancia Celebration at iba pang malalaking programa, gaya na lamang ng katatapos na kapiyestahan ni Black Nazarene.

Bukod pa diyan, nagsisilbi itong parking area at may ilang maliliit na opisina at commercial establishments sa paligid, nasa lugar din ang Police Tourism Station.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Perez, sinabi niyang mas magiging kapaki-pakinabang ang plaza kung mababago ang mga istraktura sa paligid nito, dapat siyang maging atraksyon, lalo na sa mga namamasyal.

May pondo na ring inilaan ang City Government hinggil sa bagong project na ito, paniniyak pa ng Konsehal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *