Local News

PLLENRO So.Cot, Biotech Farms lumagda sa MOA

KORONADAL CITY- LUMAGDA sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Provincial League of Local Environment and Natural Resources Officers o PLLENRO – South Cotabato at Biotech Farms Inc para sa province-wide na pagbili ng mga basurang papel.

Nakasaad sa MOA ang pagbili ng Biotech Farms ng 10 tons ng waste paper sa halagang P 3.00 per kilo.
Ang mga basurang papel ay pinoproseso ng kompanya upang gawing egg tray sa kanilang fiber processing plant.

Ang Biotech Farms ay malaking supplier hindi lang ng baboy at pork products ngunit maging itlog at mga poultry products.

Samantala, ang PLLENRO ang magsisilbi naman bilang consolidator ng mga waste paper sa bawat LGU.
Napag-alaman na sa P3.00 per kilo na halaga ng bibilhing basurang papel, P 2.50 ang mapapunta sa seller habang P 0.50 ang maiiwan sa PLLENRO.

Ang MOA signing ay pinangunahan ni Engr. Jeffrey Bondoc ng Biotech Farms at ni PLLENRO president Eileen Estrada.

BNFM Koronadal

Recent Posts

3 mga empleyado binawian ng buhay dahil sa matinding init sa Pili, Camarines Sur

NAGA CITY- Tatlong mga empleyado ang binawian ng buhay dahil sa init ng panahon sa…

7 hours ago

Dahil sa pagtatalo sa relihiyon, lalaki ginilitan ng kaibigan

Dahil umano sa pagtatalo sa relihiyon napatay ng isang lalaki ang kanyang kainuman sa Brgy…

7 hours ago

Nagkadaiyang labor group sa Sugbo nihimo og lihok protesta

Gipahigayon sa nagkadaiyang groupo sa mamumo-o ang usa ka halapad ug malinawon .nga lihok protesta…

7 hours ago

Bangka ng China sa Ayungin Shoal, pinalayas ng mga sundalong sa BRP Sierra Madre

Pinalayas ng mga tropa ng sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre ang mga maliit…

9 hours ago

PRO-7 naka kompiska og P16.4M balor sa drugas sulod sa duha ka adlaw nga SACLEO

Ang Police Regional Office 7 nihimo og laing hugna sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation…

9 hours ago

Mga Pilipinong nakaranas ng gutom – nadagdagan

Tumaas sa 14.2% ang bilang ng mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa…

9 hours ago