PN, gustong unahin muna ang pagbili ng mga dagdag na barko kaysa sa submarine

Gusto ng Philippine Navy na unahin na muna ang pagbili ng mga dagdag na barko kaysa sa submarine.

Sinabi ni Philippine Navy Chief of Naval Staff , Rear Admiral Jose Ambrosio Ezpeleta, na mas agaran ang pangangailangan nila ng mga barko.

Paliwanag ng opisyal, napakalaking commitment ang pagkuha ng submarine at sa katunayan aniya ay mahigit sampung taon na silang nagpaplano sa pagkuha ng submarine maging sa pagsasanay ng kanilang mga tauhan.

Hindi rin aniya ganun kadali ang pagbili nito dahil matagal na panahon ang kailangang gugulin dito.

Kamakailan sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi pa rin naman nila isinasantabi ang pagbili ng submarine at sa tamang panahon ay kukuha rin nito ang pamahalaan. //CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *