PNP-4A inatasang paigtingin ang presensya sa Masungi Georeserve re: land dispute

Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang Police Regional Office 4A (PRO-4A) na mas paigtingin ang kanilang presensya sa Masungi Georeserve kasunod ng nangyaring pangungubkob ng ilang mga armadong security guards sa bahagi ng Conservation Area sa kilometer 48 ng Marikina-Infanta Highway sa Tanay, Rizal.

Ksabaya nito, sinabi ni Col. Jean Fajardo, ang spokesperson ng PNP na inaalam na nila sa ngayon kung may pananagutan ba ang Sinagtala Security Agency sa nangyaring land dispute.

Aniya, sasailalim sa administrative proceedings ang naturang agency para malaman kung bakit walang dalang firearms registration ang mga security guard na kumubkob sa Masungi Georeserve.

Batay sa imbestigasyon, sinabi ni Fajardo na napag-alaman na valid naman hanggang 2024 ang mga baril, gayunman kailangan pa ring magpaliwanag ng naturang security agency.

Mababatid na una nang sinabi ni PRO-4A Acting Regional Director, Police Brigadier General Jose Melencio C Nartatez, Jr. na agad nilang pinuntahan ang nasabing lugar at kinumpiska ang aabot sa labinlimang baril mula sa mga guwardiya.

Samantala, kasama rin sa iimbestigahan ng PNP ay kung may retirado at aktibong pulis na sangkot sa land dispute.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *