PNP at Bulacan LGU, nag-inspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan

Nagsagawa ng inspeksyon ang Philippine National Police at Local Government Unit sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan upang masigurong walang nagbebenta ng ipinagbabawal na paputok.

Isa sa mga pinagbabawal na paputok ay ang bin laden, crying cow, giant atomic, goodbye covid, kabasi, kingkong at pla-pla.

Inatasan naman ng lokal na pamahalan ng Bulacan ang mga barangay official na mag-inspection sa bawat bahay upang maiwasan ang mga ilegal na paputok.

Babala ng PNP na tuloy-tuloy ang kanilang police operation laban sa mga ipinagbabawal na paputok.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP at Bulacan LGU sa mga manufacturer at online shopping platforms para masawata ang bentahan ng mga ilegal na paputok.

Ayon sa Philippine Fireworks Association mas maganda ang bentahan ngayong taon dahil mayroon na silang sapat na suplay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *