PNP, at transport agencies naghahanda sa pagbabalik ng milyong Pilipino matapos ang long weekend

Naghahanda na ngayon ang mga awtoridad para sa pagbabalik ng milyun-milyong Pilipino na sinamantala ang long weekend dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at paggunita ng All Saints’ and All Souls’ Days.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Col. Jean Fajardo, ang mga police assistance desk na kanilang itinayo sa mga pantalan at paliparan, gayundin sa mga terminal ng bus at iba pang lugar, ay mananatili hanggang sa makabalik ang mga byahero lalo na sa Metro Manila at iba pang urban areas.

Dagdag pa niya na mananatili pa rin sa heightened alert ang mga pulis hanggang sa Lunes, Nobyembre 6, upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga biyahero.

Nauna nang ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO), sa lahat ng regional directors nito na tiyakin ang road worthiness ng mga bus sa pamamagitan ng pag inspeksyon ng mga sasakyan sa mga bus terminal.

Inaasahan na rin ngayon ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagdagsa ng 1.4 milyong mga pasahero sa lahat ng daungan sa buong bansa habang papalapit ang pagtatapos ng long weekend

Gayundin ang ang Manila International Airport Authority (MIAA) na tinututukan na ang pagbabalik ng mga Filipino mula sa domestic at international flights.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *