PNP-Bato sa Catanduanes, muling nagpaalala sa publiko na ipinagbabawal ang paghuli, pagkain at pagbenta ng mga pawikan

BICOL—Muling nagpaalala ang mga otoridad sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli, pagkain at pagbenta ng anumang uri ng pawikan matapos ang insedente ng pagkakapulupot ng nasabing reptile sa fish net ng isang mangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Banawang sa bayan ng Bato, Catanduanes.

Batay sa report, ang mismong Chief Tanod ng barangay na si Noli Bergonio ang nakakita sa pawikan na may tinatayang laking aabot sa 50×30 cm. Ayon kay Bergonio, maingat niya itong tinanggal sa pagkakapulupot sa net saka inilagay sakanyang bangka at inilapit sa himpilan ng Bato MPS ang insedente.

Agad naman itong pinuntahan ng PNP upang suriin ang kalagayan nito at maswerte namang malusog at malakas ang nasabing hayup bago sila nagpasyang ibalik at pakawalan ito sa karagatan kasama ang mga opisyales ng nasabing barangay.

Pinuri naman ng kapulisan si Bergonio dahil sa ipinakita nitong malasakit sa pawikan na naging dahilan upang maayos din itong maibalik sakanyang natural habitat.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *