PNP-Bicol, magtatalaga ng mahigit 700 ‘logistical support’ at emergency vehicles sa iba’t-ibang panig ng rehiyon ngayong Halalan

BNFM BICOL—Inihayag ni PNP-Bicol Regional Director – PBGen. Mario Reyes na aabot sa 756 na mga logistical support gaya ng mga emergency vehicles ang kanilang itinalaga sa iba’t-ibang bahagi ng Bicol region sa araw ng Halalan.

Ayon kay Reyes, ang nasabing hakbang ay bahagi ng kanilang pagsisiguro sa pagkakaroon ng mapayapa, tapat at ligtas na eleksyon sa buong Bicol region gayundin ang layuning makamit ang mababang ‘election related incidents.”

Kaugnay nito, isinagawa na rin nitong nakaraang araw ang simultaneous multi-agency sendoff ceremony sa halos 8,000 mga personahe ng PNP, Philippine Army; Highway Patrol Group; Special Action Force; Maritime Unit at Philippine Coastguard na magsisilbi at magsisiguro ng seguridad ng publiko sa eleksyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *