PNP-Bicol, patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mahigit 13,700 na mga COMELEC-checkpoints sa rehiyon

BNFM BICOL- Patuloy ang isinasagawang mahigpit na pagbabantay at monitoring ng PNP-Bicol sa nasa 13,754 na mga COMELEC checkpoint sa iba’t-ibang panig ng rehiyon, tatlong araw bago ang Halalan.

Ayon sa Police Regional Office 5, bukod sa mga COMELEC checkpoint ay may mga nakatalaga ring mahigit 300 PNP-COMELEC Spot Checkpoint habang nasa mahigit 1,100 naman ang mga AFP-PNP COMELEC checkpoint sa iba’t-ibang probinsya.

Samantala, batay anila sa pinakahuling datus umabot na sa 89 ang mga naitalang insidente ng paglabag sa umiiral naman na COMELEC Gunban sa buong Kabikolan.

Nangunguna ang lalawigan ng Masbate sa may pinakamataas na bilang ng mga naarestong indibidwal na mayroong 33; may 17 ang Camarines Sur; pawang 14 sa Albay at Sorsogon; walo sa Camarines Norte; dalawa sa Naga City habang isa naman ang naaresto sa Catanduanes.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *