PNP-Bicol, patuloy ang pakikipag ugnayan sa COMELEC para masiguro ang mapayapa at ligtas na eleksyon sa rehiyon

BNFM BICOL—Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police o PNP-Bicol sa Commission on Election bilang bahagi pa rin ng kanilang hakbang sa layuning magkaroon ng mapayapa at ligtas na 2022 Local and National Election.

Ayon sa pamunuan ng kapulisan sa rehiyon,  layunin nilang makamit ang mababang bilang ng ‘election related incidents’ ngayong Halalan kung kaya’t patuloy umano ang kanilang isinasagawang pag ensayo sakanilang mga personnel, gayundin ang deployment ng mga ito sa mga lugar na kabilang sa mga ‘areas of concerns.”

Mas pinaigting rin ng PNP ang implementasyon ng umiiral na COMELEC checkpoint, gayundin ang pagpapatupad ng COMELEC gun ban sa iba’t-ibang panig ng rehiyon.

Matatandaang personal rin na dumalo ang bagong upong RD ng PNP-Bicol na si PBGen. Mario Reyes sa mga idinaos na peace covenant signing sa iba’t-ibang Police Provincial at City Offices sa rehiyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *