PNP, blanko pa sa impormasyon ni dating Sen. Trillanes hinggil sa ICC investigation

Hindi pa makumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang impormasyon ni dating senador Antonio Trillanes na nakapag-imbestiga na raw ang International Criminal Court o ICC sa drug war ng dating administrasyon.

Ayon kay PNP Chief Benjamin Acorda Jr., patuloy umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Deparment of Justice (DOJ) tungkol dito.

Kaugnay naman sa posibleng paglabas ng warrant of arrest ng ICC, hindi masagot ni Gen. Acorda kung paano ito maipatutupad.

Kukunsulta umano sya sa mas nakakataas kaugnay dito sa kung ano ang gagawin ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *