PNP Camarines Sur nagbabala sa mga pulis na gagamit ng baril bilang paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon

CAMARINES SUR- Sasampahan ng kaso ang sinumang pulis sa Camarines Sur na gagamit ng kanilang service fire arm bilang paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ito ang binigyang diin ni PCPT Marlon Lladoc , Spokespersonng PNP Camarines Sur na naging panayam ng Brigada News FM Naga. Kahit na nga aniya tiwala naman silang mga responsable naman ang mga kawani ng PNP sa lalawigan mabuti na rin ang napapaalalahanan dahil baka makalimot kung nakainum.

Mababatid na hindi na magpapatupad ng muzzle taping ang Philippine National Police ngayong Holiday season. Ito’y makaraang magbaba ng direkta ang kanilang Directorate for Operations at base sa guidelines ay hindi na seselyuhan pa ang baril ng mga pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *