PNP Caramoan tinitiyak ang kaligtasan ng mga turista ngayong summer season; Police presence, mas pinapaigting

CAMARINES SUR- Kasunod nang nangyaring insidente kung saan nahuli ng mga awtoridad ang isang tour guide na itinuturong responsible sa pang-aabuso sa sarili nitong anak sa bayan ng Caramoan, tinitiyak ngayon ng mga personahe ng Caramoan Police  Station na hindi mangyayari ang kaparehong insidente sa kahit na sinumang indibidwal sa nasabing bayan lalo na sa mga turista ngayong summer season.

Ayon kay Police Captain Niel Brijuega sa isang panayam ng Brigada News FM Naga, sinabi nitong nakahanda na ang kanilang mga personahe katuwang ang Tourist Police Unit, Philippine Army, Philippine Coast Guard (PCG) at ang lokal na pamahalaan para sa pagdagsa ng mga turista sa isla.

Pinapaigting rin aniya ang police presence sa komunidad upang maiwasan at hindi na maulit pa ang nangyari.

Ang bayan ng Caramoan ay kinikilala bilang Emerging Paradise of the Pacific at isa sa mga dinarayong tourist destination sa lalawigam lalo na kapag summer season dahil sa magagandang tanawin at mala paraisong isla nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *