Local News

PNP Cauayan City, hiniling na mailipat sa BJMP ang mga nakakulong sa kanilang lock-up cell

Hiniling ng Cauayan City Police Station na mailipat sa tanggapan ng BJMP Cauayan City ang mga Person Under PNP Custody (PUPC) o mga pansamantalang nakakulong sa kanilang lock-up cell habang dinidinig ang kanilang kaso.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, ang tagapagsalita ng PNP Cauayan, sa ngayon ay nasa 28 na PUPC na kinabibilangan ng 3 babae at 25 na kalalakihan ang kasalukuyang nasa lock-up cell ng PNP Cauayan City.

Aniya, hiniling ng kanilang istasyon na pinapangunahan ng kanilang hepe na si PLtCol. Gerald Gamboa ang paglipat sa mga PUPC sa kustodiya ng BJMP Cauayan upang maiwasan ang siksikan at mamintina ang pagsunod sa physical distancing.

Dagdag pa ni PLt. Topinio, nasa 20 lamang ang maximum na kayang iokupa ng kanilang lock-up cell.

Sa ngayon aniya, mula sa 28 na PUPC ay mayroon nang 7 rito ang hinihintay na lamang ang kanilang commitment order upang mailipat na sa BJMP.

Habang mula naman noong May 31 – June 2, 2021 ay nasa 11 nang PUPC ang nailipat.

Samantala, wala naman umanong problema sa paglipat ng mga PUPC basta’t mayroon umano silang commitment order at masusunod ang mga health protocols ng BJMP Cauayan.

BNFM Cauayan

Recent Posts

Pagkain ng mga atleta ng Camarines Norte sa katatapos lang na Palarong Bicol bitin

CAMARINES NORTE - Hindi nakapagpigil si Camarines Norte Schools Division Superintendent Crestito Morcilla na magpasaring…

1 hour ago

Angeline Quinto, inanunsyo ang kanyang muling pagbubuntis

Usong uso ngayon ang Asoka Trend na nagmula sa isang Indian movie. Ngunit gumawa ang…

2 hours ago

Camarines Norte isa na lang sa dalawang probinsiya sa Bicol na walang kaso ng pertussis

CAMARINES NORTE - Napanatili ng Camarines Note ang “pertussis free” status makaraang walang maitalang kaso…

2 hours ago

Pilipinas, masiglang sinimulan ang 2024 AFC U-17 Women’s Asian Cup

Masiglang sinimulan ng Philippine women's under-17 national team ang 2024 AFC U-17 Women's Asian Cup.…

2 hours ago

Imahe ni Ina at Divino Rostro nasa Paracale na

CAMARINES NORTE - Dumating na nitong Lunes ng hapon ang ang pilgrim image ni Ina,…

2 hours ago

DepEd personnel bawal mangolekta ng kontribusyon na may kinalaman sa graduation at moving up

CAMARINES NORTE - Pinaalalahanan ng Department of Education na bawal mangolekta ang mga empleado nito…

2 hours ago