PNP Cauayan, may paalala sa publiko upang hindi mabiktima ng mga kawatan ngayong christmas season

Nagpaalala ang Cauayan City Police Station sa mga mamimili at may-ari ng establishimento na maging alerto upang hindi mabiktima ng mga kawatan ngayong panahon na ng kapaskuhan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, inaasahan na kasi aniya ang pagdagsa ng maraming tao sa palengke o sa población kung saan nakakapagtala naman ng insidente ng pagnanakaw.

Mas mainam aniya na kapag pupunta ng syudad upang mamili ay huwag na lamang magdala ng malaking halaga ng pera at iwasang magsuot ng mga alahas o anumang nakakaagaw pansin.

Paalala rin ni PLt Topinio sa mga lalabas ng tahanan na siguraduhing nakakandado ang kanilang mga pintuan upang hindi mapasok ng mga masasamang loob at tiyaking walang naiwang nakasaksak na electric appliances at makaiwas din sa sunog.

Payo rin niya sa mga may-ari ng mga business establishments na maging alerto at kung may mga napapansin na hindi kanais-nais na pangyayari ay huwag mag-atubiling ipagbigay-alam ito sa mga nakatalagang kapulisan.

Sa ngayon aniya ay nakaantabay at nakalerto rin ang PNP Cauayan upang magkaroon ng payapa at matiwasay na pagdiriwang ng pasko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *